-- Advertisements --
Hawak na ng San Miguel Beermen ang 2-0 na kalamangan sa best of five semifinals ng PBA Commissioner’s Cup matapos talunin nila ang Barangay Ginebra 106-96.
Nanguna sa panalo ng Beermen ang kanilang import na si Bennie Boatwright na nagtala ng 38 points, siyam na rebounds at dalawang assists habang mayroong tig-17 points sina June Mar Fajardo at CJ Perez.
Nasayan naman ang naitalang 25 points, siyam na rebounds, isang assists, isang steals ni Tony Bishops para sa Ginebra.
Dahil sa panalo ay desidido ang Beermen na tapusin na ang serye para makausad na sila sa Finals.