-- Advertisements --

Nakuha ng San Miguel Beermen ang ikaapat na sunod na panalo matapos talunin ang TNT Tropang Giga 115-99 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Nanguna sa panalo si June Mar Fajardo na mayroong 30 points, 16 rebounds at 3 assists habang mayroon ding 30 points si Jericho Cruz.

Nag-ambag naman ng 16 points si Simon Enciso haban gmayroong tig-12 points sina CJ Pereza at Rodney Brondal para sa Beermen.

Dahil sa panalo ay hawak ng Beermen ang solo lead na mayroong pitong panalo at isang talo.