-- Advertisements --

Isa ng free-agent si San Miguel Beermen power forward Billy Mamaril.

Sinabi ni Beermen team manager na free-agent na at maaari ng maglaro sa ibang koponan ang 40-anyos na anak ni PBA legend Romulo Mamaril.

Naniniwala ito na hindi na ito maglalaro ng basketball dahi sa pursigido ito na ituloy ang kaniyang pag-aaral na maging isang nurse.

Naging first round draft pick noong 2003 ang 6′ 6″ na si Mamaril at noong 2017 ay kinuha siya ng Beermen para maging back-up ni June Mar Fajardo.

Naging bahagi ito sa pagkuha ng Beermen ng kampeonato noong 2018 at 2019 Philippine Cp at noong 2019 Commissioner’s Cup championship.

Naglaro ito sa ilang koponan gaya ng Purefoods, Shell, Coca-Cola, Barangay Ginebra, Air 21 at NorthPort.

Paglilinaw naman ni Abanilla na hindi pa official retired si Mamaril dahil baka magbago ang isip nitong makabalik sa paglalaro.