David Beckham
David Beckham/ IG post

Pinatawan ng anim na buwang pagbabawal sa pagmamaneho ng sasakyan si football star David Beckham.

Ito ay matapos na maghain ng guilty plea dahil sa paggamit ng kaniyang cellphone habang nagmamaneho.

Ayon sa korte, nakuhanan ng larawan ang 44-anyos na dating England captain na gumagamit ng cellphone habang nagmamaneho noong Nobyembre 2018.

Pinagbayad din ito ng korte na aabot sa mahigit $1,100 o katumbas ng P55,000.

Depensa naman ni Beckham na hindi naman umaandar ang kaniyang sasakyan dahil naipit ito sa trapiko pero hindi pinatulan ito ng korte.