-- Advertisements --
Pinagbawalan na ng gobyerno ng Greece ang pagsasagawa ng kasiyahan sa sikat na holiday island ng Mykonos.
Ang nasabing hakbang ay para masawata ang pagkalat ng COVID-19.
Kasamang magpapatupad ng paghihigpit ang karagatang bahagi ng Chaikidiki.
Lilimitahan na lamang sa hanggang siyam na katao ang maaaring payagan sa pagtitipon.
Magsisimula ang restriction mula Agosto 21-31.
Nagtala nitong Martes ng 269 na bagong kaso na siyang pinakamataas na bilang sa loob ng isang araw mula ng kumalat ang virus noong Pebrero.