Tinalo ng beach handball team ng bansa ang Thailand sa opening match para sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Nakuha ng bansa ang score na 18-6; 18-16 sa nasabing laro.
Noong 2019 SEA Games kasi ay nakakuha ng silver medal ang Thailand habang bronze medal ang Pilipinas.
Dahil sa panalo ay labis na ikinatuwa ni Philippine Handball Federation coach and training director Joanna Franquelli at umaasa ito na mapagtatagumpayan nila ang mga susunod nilang laban.
Sunod na makakaharap ng bansa ang defending gold medalist na Vietnam ngayon ala-singko ng hapon ng Mayo 7.
Habang sa Mayo 9 ay makakaharap muli nila ang Thailand, Vietnam sa Martes habang ang Singapore naman sa Miyerkules.
Binubuo ng beach handball team ng bansa nina Jamael Pangandaman, Josef Maximillan Valdez, Mark Vincent Dubouzet, Andrew Michael Harris, Rey Joshua Tabuzo, Manuel Lasangue Jr., Dhane Miguelle Varela, Van Jacob Baccay, John Michael Pasco at Daryoush Zandi habang ang kanilang coach ay si Aurora Adriano Luzviminda Pacubas at Tomas Luis Telan.