-- Advertisements --

ROXAS CITY – Mistulang palaisipan sa mga fans kung ano ang pakay nina Alden Richards at Bea Alonzo sa Thailand.

Ito’y matapos na makunan ng litrato ang dalawa na magkasabay na nag-check-in sa Suvarnabhumi Airport sa Bangkok.

Nakasuot ng face mask ang dalawa pero nakilala pa rin sila ng mga Pinoy na nasa airport.

Game naman ang 28-year-old actor at 32-year-old actress sa mga humirit na magpa-picture sa kanila.

May mga nagsabi na posibleng may bagong proyekto na pagsasamahan ang dalawa na gaganapin sa Thailand, pero hindi rin maiwasan ng mga malisyosong netizens na mag-isip sa posibilidad na may namumuong magandang pagtitinginan sa mga ito.

Hindi naman imposible kung mangyayari ito, dahil kapwa “single and ready to mingle” sina Alden at Bea.