-- Advertisements --
Bea Alonzo Tanduay 2

Idinaan lamang ng aktor na si Dominic Roque sa misteryosong emoji face ang reaksyon sa sexy calendar pictorial ng kasintahang si Bea Alonzo.

Ang nasabing emoji ay yaong nakataas ang kilay na mayroong manoukel o lens sa mata at nakakurba ang bibig na tila nagpapahiwatig ng iba’t ibang emosyon.

Bea Alonzo BF reax

Sa comments section ng mga naisapublikong sexy photos ng 34-year-old actress, karamihan sa mga ito ay nagulat sa pambihirang pagpapakita nito ng hubog ng katawan.

Ayon sa creative director na si Pam Quiñones, inspirasyon nito sa 1960s movie na La Dolce Vita ang tema ng pagiging bagong (Tanduay) calendar girl ni Bea o Phylbert Angelli Ranollo Fagestrom sa tunay na buhay.

Ilan sa pasabog posing ng ex-girflriend nina Gerald Anderson at Zanjoe Marudo ay yaong naka-two piece swimsuit habang nasa duyan, naka-scarlet red swimsuit na nakasilip ang ibabang pisngi ng dibdib, at ang lacy lingerie.

-- Advertisement --

Nabatid na 20 pounds ang nabawas sa timbang ni Alonzo sa pamamagitan ng pag-workout na nagsimula sa kasagsagan ng quarantine at ngayo’y abala rin sa paglalaro ng badminton at ilang weight training.