BUTUAN CITY – Nangunguna ang Bongbong Marcos-Sarah Carpio tandem sa mga paboritong mananalo nitong lungsod ng Butuan kung gagawin ang eleksyon ngayong araw.
Ito’y base sa survey marathon na isinagawa ng Bombo Radyo Butuan kanina sa mga Butuanons na nakunan ng kanilang pulso kaugnay sa papaboran nilang magigiong presidente at besi presidente ng bansa.
Sa 31 ka mga taong on-the-spot na pinupulsuhan nitong himpilan kaugnay sa nais nilang pipiliin, siyam ang pumili kay Bongbong Marcos bilang presidente samantala tatlo naman ang kay Senador Manny Paccquiao, isa ang kay Vice President Leni Robredo at apat naman ng undecided.
Sa pagka-besi presidente naman ay nangunguna si Davao City Mayor Inday Sara Duterte Carpio na may 12 pumabor habang tig-iisa naman sina Senate President Tito Sotto at Dr. Willie Ong.
Ayon kay Frank Bubong na taga-brgy. San Vicente nitong lungsod, para sa kanya si Senador Manny Pacquiao ang kanyang bobotohan dahil ramdam nito ng buhay ng mga mahihirap at siguradong matutulungan niya ang mayoriya ng mga mamamayang Filipinong naghihirap.
Samantala, si Sara Duterte-Carpio naman ang kanyang pipiliing besi-presidente.