Magiging opisyal na kandidata ng bansa sa 2nd Miss Planet International si Binibining Pilipinas first runner-up Herlene Nicole “Hipon” Budol.
Gaganapin ang nasabing pageant sa darating na Nobyembre 19, 2022 sa Kampala, Uganda.
Ayon sa manager nito na si Wilbert Tolentino na mismo ang national director sa Pilipinas ng nasabing pageant ang pumili kay Herlene.
Unang isinagawa ang Miss Planet International noong 2019 na isa sa mga hindi gaanong kilalang mga beauty pageant sa mundo.
Sinasalihan ito ng mga ibang mga Filipina na nais magkaroon ng titulo at korona.
Tinatayang aabot sa 70 ang mga kandidata mula sa iba’t-ibang bansa ang makakaharap ni Herlene.
Nasa pang-44 sa listahan si Miss Herlene.
Ipinaalam ng nasabing pageant sa Bb. Pilipinas Charities, Inc. ang paglahok ni Herlene.
Sa kaniyang social media ay hindi ito makapaniwala na mapili na magrepresenta ng bansa sa nasabing pageant.