Matapos maaresto ng militar sa Mindanao, ipapa-deport na ng Bureau of Immigration (BI) ang Jordanian na bayaw at kanang kamay ni Osama Bin Laden ng Al Qaeda Network.
Ang 51-anyos na si Mahmoud Afif Abdeljalil ay ipapadeport ng BI dahil sa iligal na pagpasok nito sa bansa.
Ayon sa BI, unang naaresto sa bansa at na-deport si Abdejalil noong 2003 subalit muling itong nakakapasok sa Pilipinas gamit ang iba’t ibang pangalan at dahil sa pamemeke ng public documents.
Ang naturang Jordanian ay kasamahan sa terrorist activities sa Mindanao ng naarestong Algerian na naipa-deport din noon ng BI.
Lumalabas din sa interogasyon na si Abdeljalil ang nagpa-facilitate ng pondo ng Al Qaeda para sa operasyon ng Abu Sayyaf at charity organizations sa Mindanao.
Ang Jordanian din ang point man ni Saudi businessman Mohammed Jamal Khalifa na bayaw din ni Bin Laden.