Tiniyak ni Speaker Alan Peter Cayetano na mayroong sapat na safeguards para matiyak ang transparency at accountability sa paggamit ng pondo sa ilalim ng proposed Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Ginawa ni Cayetano ang anturang pahayag sa gitna ng mga pangamba na magagamit sa korapsyon ang pondong nakalaan sa Bayanihan 2 sa oras na maging ganap na batas ito.
Sinabi ng lider ng Kamara na mayroong “enhanced reportorial requirements” na kailangan isumite ng Executive agencies para matiyak ang full transparency at accountability sa paggamit ng pondo sa Bayanihan 2.
Patuloy aniyang magbabantay ang Kongreso sa pamamagitan ng kanilang oversight functions upang sa gayon ay matiyak na matatanggap ng mga Pilipino ang nararapat na serbisyo mula sa pamahalaan.
Apat na senador at kongresista na itatalaga ng Senate President at House Speaker ang bubuo sa itatatag na Joint Congressional Oversight Committee.
Sa ilalim ng Section 14 ng proposed Bayanihan 2, obligado ang Pangulo na magsumite ng report sa Kongreso gayundin sa Commission on Audito.
Ang Department of Health naman ay dapat na magbigay din ng ulat sa Kongreso patungkol sa kanilang imrpoved COVID-19 surveillance at control plan sa unang linggo matapos na maisabatas ang proposed Bayanihan 2.