-- Advertisements --

Bigo ang Kamara na maaprubahan ang Bayanihan to Recover As One Act o ang “Bayanihan 2” bill bago ito ad adjourn sine die nitong araw.

Mababatid na kahapon lang na-introduce sa plenaryo ng Kamara ang House Bill No. 6953, na tatayong supplemental measure sana sa Bayanihan to Heal as One Act.

Hindi na nagawang maisalang pa ng Kamara para sa second reading approval nitong araw ang naturang panukala.

Sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act, bibigyan ng iba’t ibang uri ng ayuda ang mga Pilipino sa gitna gn COVID-19 pandemic.

Kabilang na rito ang emergency subsidy para sa mga displaced workers, cash-for-work-programs, support programs para sa mga apektadong sektor at iba pa.

-- Advertisement --

Layon sana ng panukalang ito na maglaan ng P162-billion standby fund na maaring gamitin ng hanggang Setyembre.