-- Advertisements --

ILOILO CITY – Opisyal nang idineklara ang state of calamity sa bayan ng San Joaquin, Iloilo dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue.

Ito ay matapos na mapagkasunduan ng mga miyembro ng sanguniang bayan sa ginawang special session para sa naturang krisis.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo Provincial administrator Atty. Dennis Ventilacion, sinabi nito na inaprubahan ng Sanguniang Bayan ang request ni Mayor Ninfa Garin na isailalim na sa state of calamity ang bayan upang masolusyonan ang patuloy na tumataas na kaso ng dengue hemorrhagic fever.

Ibig sabihin nito ay maaari nang magamit ang calamity fund ng bayan para sa mitigating measures na gagamitin ng mga ospital, mga dengue patients, pagbili ng fogging machines, larvicides, dengue test kits at iba pang equipment.

Nagsasagawa ng malawakang clean-up campaign ang bayan para puksain ang pinamumugaran ng mga lamok na may dalang dengue.

-- Advertisement --