ILOILO CITY – Nasira ang ilang kabahayan matapos humagupit ang buhawi sa Brgy. Balanac, Janiuay, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Rudy Manejero,may-ari ng isa sa mga nasirang bahay, sinabi na natuklap ang bubong ng kanilang bahay at nasira naman ang balkonahe ng bahay na pagmamay-ari ni Mary Ann Jinon.

Ayon kay Manejero, bago humagupit ang buhawi, bumuhos muna ang malakas na ulan sa lugar.

Habang tumatagal ayon kay Manejero, lalong lumalakas ang bugso ng hangin.

Nagtago na lamang umano si Manejero kasama ang tatlong apo sa loob ng kanilang comfort room.

Masuwerte namang walang nasugatan sa nasabing paghagupit ng buhawi.