ILOILO CITY – Simula ngayong araw sa nasa ilalim na ng enhanced community quarantine (ECQ) ang Alimodian, Iloilo, kasunod ng naitalang 13 kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa nasabing bayan.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Alimodian Mayor Gefree “Calay” Alonsabe, sinabi nito na sa 13 nagpositibo sa COVID-19 sa bayan ng Alimodian, lima ay health workers na kinabibilangan ng medical technologist, nurse at midwives.
Habang ang walo ay mga lokal na residente na naka-close contact ng isang locally stranded individual na nauna nang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Alonsabe, mahigpit na ipapatupad ang “No ECQ pass, No Travel Policy, at ang pagsasagawa ng border checkpoint.
Sinabi pa ni Alonsabe na ang kanyang naging basehan ay ang Executive Order noong ipinatupad din ang ECQ sa buong lalawigan.
Samantala, nagpapatuloy ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa COVID-19.
















