-- Advertisements --
Naigawad na sa mga maayos na tax payers ang ilang biyaya ng maaga at tamang pagbabayad ng buwis.
Alinsunod sa Republic Act 10963 o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, karamihan sa mga nagbabayad ng buwis ay magkakaroon ng bawas sa kanilang personal income tax simula Enero 1, 2023.
Ang mga indibidwal na may taunang kita na hindi hihigit sa P250,000 ay mananatiling exempted sa pagbabayad ng kanilang personal na buwis.
Binabaan din sa bagong tax schedule ang mga buwis sa personal na kita ng mga kumikita ng P8,000,000 pababa simula Enero sa susunod na taon.
Samantala, para mapanatili ang pagiging progresibo ng tax system, ang tax rate para sa mga indibidwal na kumikita ng P8,000,000 pataas taon-taon ay mananatili sa 35%.