-- Advertisements --

Nagsimula ng magpatupad ng kanilang bawas presyo ang mga kumpanya ng langis.

Kaninang ala-sais ng umaga ng ipatupad ng mga kumpanya ng langis ang P1.40 sa kada litro na bawas sa gasolina.

Mayroong P0.70 naman sa kada litro ng diesel ang bawas.

Habang ang kersone ay mayroong bawas na P0.20 sa kada litro.

Dahil sa naganap na price adjustment noong nakaraang linggo ay tumaas ang gasolina ng P11.05 sa kada litro mula ng simula ng taon habang ang diesel ay mayroong P0.65 sa kada litro.