-- Advertisements --

Pumanaw na ang sikat na director na si Joel Schumacher sa edad na 80.

Ayon sa kaniyang kampo, hindi na nakayanan nito ang pakikipaglaban niya sa cancer.

Nakilala siya sa paggawa ng mga pelikulang gaya ng “Phantom of the Opera” at mga serye ng pelikula ng “Batman”.

Nagsimula ang American director sa paggawa ng “St. Elmo’s Fire” , “The Lost Boys” at “Flatliners”.

Ilan sa mga patok na pelikula nito ay ang “Batman Forever” noong 1995 at “Batman and Robin” noong 1997.

-- Advertisement --

Sa pelikulang “The Phantom of the Opera” noong 2004 ay nakakuha ito ng tatlong Oscar nominations para sa Best Cinematography, Best Production Design at Best Original Song.

Nag-aral ito ng fashion designing sa Parsons The New School for Design and the Fashion Institute of Technology sa New York City.