-- Advertisements --

Target ng Senado na ipasa ang panukalang batas na maglilimita sa “fixed terms” ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa unang quarter ng 2023.

Ito ang inihayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri.

Sinabi ni Zubiri na nais nila maamyendahan ang Republic Act No.11709 na pinagtibay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa senador kaniya na itong tinalakay kay Senator Jinggoy Estrda na siyang chairman ng Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification, and Reconciliation at bumuo na rin sila ng technical working group para pag-aralan ang nasabing panukala na mag amyenda sa nasabing batas.

Inihayag ni Zubiri na ang gagawing amendment ay makakatulong sa stability sa military establishments at mawawala na ang tampo ng junior officers.

Sa kabilang dako, kinumpirma ni Senator Jinggoy Estrada na tatalakayin na sa susunod na linggo ng senate panel ang panukalang batas na naglilimita sa fixed term ng apat na high-rangking military officials.

Sinabi ni Estrada na tinanong na sa kaniya ng Presidential Legislative Liaison Office na ipasa na ang nasabing measure sa upper chamber bago magtapos ang 2022.

Nabatid na sinertipikahan ng urgent ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. House Bill No. 6517, na naglalayong amendahan ang RA 11709.