-- Advertisements --
Batangas quake Oct 29

(Update) Itinaas pa ng Phivolcs mula sa 4.5 magnitude patungo sa 5.0 magnitude ang naranasang lindol sa lalawigan ng Batangas, maging sa Metro Manila at mga karatig na lugar.

Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, normal lang ang pag-upgrade ng data, dahil lumalabas ang kompletong impormasyon pagkatapos nilang malikom ang record mula sa iba pang monitoring centers.

Una rito, naramdaman ang pagyanig kaninang ala-1:25 ng hapon, kung saan naitala ang epicenter sa Mabini, Batangas.

May lalim lamang itong dalawang kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Narito ang reported intensities:

Intensity IV- Mabini, San Luis, Lemery, Rosario, Agoncillo, Calatagan, Balayan, Bauan, Sta. Teresita, Batangas; Tagaytay City, Alfonso & Amadeo, Cavite
Intensity III- Batangas City; Malvar, Talisay, Tanauan, Alitagtag Batangas; San Pablo, Laguna
Intensity II- Quezon City; Mandaluyong City; Navotas City; Majayjay, Laguna; Dolores, Quezon
Intensity I- Malabon City; Pasay City; Talisay, Batangas; Sta. Cruz, Laguna

Instrumental Intensities:
Intensity IV- Calatagan, Batangas; Tagaytay City
Intensity II- Muntinlupa City; Dolores, Quezon
Intensity I- Quezon City; Carmona and Bacoor City, Cavite; Mauban, Quezon; Talisay, Batangas