Nagkampeon ang Gilas Pilipinas Youth sa Fiba U16 Asia Cup SEABA qualifiers.
Ito ay matapos na tambakan nila ang Indonesia 70-40 sa laro na ginanap sa San Fernando, Pampanga.
Naging mahigpit ang ipinatupad na depensa ng Batang Gilas para tuluyang mailayo ang kanilang kalamangan at makamit ang anim na panalo at walang talo.
Dahil na rin sa panalo ay tiyak na ang kanilang pagsabak sa Asia Cup main tournament sa buwan ng Agosto.
Nakamit naman ng Malaysia ang third place matapos na talunin ang Mongolia.
Sinabi ni Gilas Youth head coach LA Tenorio na kaniyang laging ipinapaalala sa mga manlalaro nito ang turo niya.
Ikinatuwa naman ni Tenorio dahil sa sinunod naman ng kaniyang players ang mga diskarte para mangibabaw sa torneo.
Nanguna sa panalo ng Batang Gilas si Jhustin Hallare na mayroong 13 points , apat na rebounds, dalawang assists at isang steal.