-- Advertisements --

Nananatiling wala pang talo ang Gilas Pilipinas Under 16 sa nagpapatuloy na 2025 SEABA Under-16 Cup.

Ito ay matapos na talunin nila ang Malaysia sa score na 96-61 at makuha ang limang panalo at wala pang talo.

Sa simula pa lamang ng laro ay umarangkada ang Batang Gilas at hindi na hinayaan na makalamang pa ang Malaysia.

Dahil dito ay tiyak na ang pagsabak nila sa FIBA U16 Asia Cup na gaganapin sa Mongolia sa buwan ng Agosto.

Sinabi ni National youth coach LA Tenorio na kailangan niyang disiplinahin ang mga manlalaro dahil sa nawawalan na sila ng focus at sistema.

Mayroong tig-15 points sina Travis Pascual at Jeremiah Antolin para sa Gilas Youth.