Nagpakitang-gilas agad ang Gilas Pilipinas Youth sa pagbubukas ng kampanya nito sa FIBA U16 Asia Cup SEABA Qualifiers matapos tambakan ang Vietnam, 113-62, sa Bren Z. Guiao Convention Center sa Pampanga.
Ito ang unang opisyal na laro ni PBA legend LA Tenorio bilang head coach ng national youth team.
Bagama’t dikit ang laban sa unang quarter (29-20), tuluyan nang lumayo ang Gilas sa second quarter at nakapag tala ng 61-33 halftime lead at hindi na nagpahabol pa.
Pinangunahan ni Travis Pascual ang opensa ng Gilas na may ambag na 16 points, habang nagdoble-doble si Prince Cariño sa kanyang 16 points at 12 rebounds.
Nag ambag din ng 14 points si Jolo Pascual at 10 points naman mula kay Jhustin Hallare.
May 1-0 record na ngayon ang Pilipinas at susunod na haharapin ang Thailand bukas ng gabi sa parehong venue.