CEBU CITY – Inoobserbahan pa rin ng Department of Health (DOH) Region 7 ang lagay ng 5-year old na batang Chinese na nahawaan umano ng 2019 novel coronavirus o N-CoV.
Sinabi ni Dr. Van Philip Baton, Medical Officer III ng DOH-7 na patuloy ang kanilang monitoring sa naturang bata na naka-confine sa isang pagamutan sa lungsod ng Cebu.
Dagdag pa ni Baton nasa stable na kalagayan na ang bata mula sa China matapos humupa ang ilalagnat.
Nilinaw ng medical officer na wala pang confirmed case sa 2019 N-CoV sa Central Visayas, batay sa kanilang monitoring.
Hinihintay pa rin ngayon ng ahensya ang resulta ng specimen mula sa bata na ipinadala sa Australia.
Ayon kay Baton, dadating ang confirmatory test results ng naturang samples ngaypng Biyernes o Sabado.
Sa ngayon, nasa heightened alert ang lahat ng publiko at pribadong pagamutan sa rehiyon.