-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude-5.0 na lindol ang isla ng Batanas nitong umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Batay sa report ng ahensya, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na isang kilometro.

Namataan ang sentro ng pagyanig sa layong 56-kilometers, silangan ng bayan ng Sabtang.

Naramdaman daw ang Intensity III sa bayan ng Itbayat. Intensity IV sa Uyugan, Ivana, Mahatao at Basco. Samantalang Intensity V sa Sabtang.

Nag-abiso ang Phivolcs ukol sa inaasahang aftershocks nang yumanig na lindol.