-- Advertisements --

Matapos ang ilang buwang pagiging “COVID (Coronanavirus Disease) free” ng Batanes, isang residente na nito ang nagpositibo sa nasabing sakit.

Batanes by Irmina

Ang naturang residente ay 29-anyos na bumalik sa Batanes nito lamang September 22 at nagpositibo sa COVID-19.

Kasalukuyan na siyang ng naka-isolate at nasa quarantine facility sa Basco, Batanes.

Sa anunsyo ng local government ng probinsya sa kanilang official Facebook page, asymptomatic ang pasyente na nagkaroon ng travel history sa quarantine facility sa Santa Rosa, Laguna.

“All identified (close) contacts and other LSIs (locally stranded individuals under quarantine are being strictly monitored by the Provincial COVID-19 Task Group,” bahagi ng Facebook post.

Kahapon, mayroon nang kabuuang 307,288 COVID cases ang Pilipinas kasama ang 252,665 recoveries at nasa 5,381 ang tuluyang nasawi.