CENTRAL MINDANAO – Missing ang anim na taong gulang na bata sa nangayaring banggaan ng dalawang bangka dakong alas-6:20 kagabi sa probinsiya ng Cotabato.

Nakilala ang nawawalang biktima na si Hamod Toya, habang sugatan naman si Saad Toya, 3, na ginagamot ngayon sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City.

Nakaligtas naman ang ama ng mga biktima na si Ibrahim Toya at isa pa niyang anak, mga residente ng Brgy. Lower Panangkalan, Pigcawayan, North Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya padaong ang sinasakyang bangka ng mga biktima nang mabangga ito ng isang humarurot na bangkang de motor.

Nagtamo ng sugat ang mga biktima.

Samantalang patuloy na pinaghahanap ang paslit na inanod sa Rio Grande de Mindanao.