-- Advertisements --

Tuluyan ng ibabalik sa Canada ang ilang container ng mga basura anumang araw ngayong Linggo.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), mayroon ng transport company ang nakontrata ng Canada na hahawak sa pagbabalik ng basura.

Wala na rin silang nakikitang hadlang para maantala pa ang nasabing pagbiyahe ng ilang toneladang basura.

Nauna rito hindi naabot ng Canada ang May 15 deadline na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbunsod sa pagpapauwi ng mga Philippine ambassador at consuls ng Canada.