-- Advertisements --

Naimbitahan ang ilang miyembro ng Philippine Basketball team na sumabak noong 1978 FIBA World Cup para sa opening ceremony ng nasabing torneo ngayong taon.

Sinabi ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio na naibigay nila ang imbitasyon sa ilang miyembro ng Philippine basketball team noon na ngayon ay pawang mga miyembro ng coaching staff.

Ilan sa mga inaasahang dadalo ay sina Ramon Cruz, Padim Israel, Steve Watson, Pol Herrera, Marty Tierra, and Rico Acuna at assistant coach Nemie Villegas.

Ang mga miyembro kasi noong apat na dekada ng nakaraan ay sina Alex Clarino, Federico ‘Bokyo’ Lauchengco, Bernardo ‘Joy’ Carpio, Greg Gozum, Nathaniel Castillo, Edward Merced, Cesar Teodoro, at Cesar Yabut.

Ang kanilang coach noon ay ang namayapang si Nicanor Jorge ang founder ng BEST (Basketball Efficiency Scientific Training) Basketball.

Bilang host kasi noon ay otomatikong pasok na sa quarterfinals ang Pilipinas sa ilalim ng lumang format at kasabay nila ang defending champion na Soviet Union.

Nanguna noon sa scoring si Ramon Cruz na mayroong average na 16.8 points per game kung saan nagtapos ang Pilipinas noon sa pang-walong puwesto.

Makakasama ng 1978 Philippine team sa opening day ang mga bagong inducted member ng FIBA Hall of Fame.

Ang mga ito ay kinabibilangan nina NBA great Yao Ming (China), Penny Taylor (Australia), Yuko Oga (Japan), Katrina McClain (USA), Amaya Valdemoro (Spain), Wlamir Marques (Brazil), Angelo Monteiro dos Santos Victoriano (Angola), Sony Hendrawan (Indonesia), at ang coaching duo na sina Valerie Garnier (France) at Alessandro Gamba (Italy).

Habang si Carlos Loyzaga at Zurab Sakandelidze ng Georgia ay nabigyang posthusmous award.