-- Advertisements --

Pumanaw na ang basketball hall of famer ng bansa at Olympian na si Rafael “Paing” Hechanova sa edad 93.

Hindi naman nagbigay pa ng anumang impormasyon ang kampo ng nasabing basketbolista.

Naging miyembro ng national basketball team ng bansa si Hechanova na kasamang sumabak sa 1952 Olympics.

Unang naglaro siya sa University of Santo Tomas kung saan tatlong beses nilang nakuha ang kampeonato sa UAAP noong 1951.

Kinuha siya ng koponang YCO Redshirts sa Manila Industrial and Commercial Athletic Association ang basketball league bago ang pagsikat ng PBA.

Taong 1951 ng kinuha siya ng national team at nagkampeon sila sa Asian Games na ginanap sa New Delhi, India.

Nahalal siya bilang second vice president ng PBA noong 1975 at noong 2000 ay itinalaga siya sa basketball hall of fame.