-- Advertisements --

Pumanaw na ang unang Black basketball head coach na si John Thompson Jr sa edad 78.

Hindi na binanggit pa ng kaanak nito ang sanhi ng kamatayan nito basta ang sinabi lamang na nagkaroon ito ng problema sa kalusugan.

Naging coach siya ng Georgetown University sa loob ng 27 taon na nakamit ng Hoyas ang kanilang kampeonato noong 1984.

Siya lamang naging unang African American head coach na nanalo ng National Championship.

Ilan sa mga manlalaro na hinubog ay na-draft sa NBA na kinabibilangan nina Hall of Famer Patrick Ewing, Dikembe Mutumbo, Alonzo Mourning at Allen Iverson.

Bago naging coach ay naglaro ito sa Providence College at kinuha ng Boston Celtics na kasama sa pagkapanalo ng dalawang NBA title.

Nagpaabot naman ang ilang sports personalities ng kanilang pakikiramay sa pagpanaw ni Thompson.

Isa na rito si Iverson sa pamamagitan ng kaniyang Twitter ay binigyan niya ng pagkilala ang kaniyang coach.