DAM 1
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patuloy na dinaragsa ng mga mamamayan ng PPALMA Area ang Barongis Dam sa Brgy. Barongis, Libungan, Cotabato.

Ilang araw nang usap-usapan sa social media ang naturang lugar dahil sa ito ay ‘Instagramable’ at patok sa mga magbabarkada at magkakapamilya upang makapagbonding.

Ayon pa sa ilang mga nakapunta na sa lugar, ‘perfect place’ umano ito upang mapawi ang init ng panahon dahil sa malamig na tubig rito.

Samantala, nagpaalala naman ang mga otoridad na panatilihing sundin ang minimum health protocols kontra COVID-19 sa pagpunta sa lugar.