Hindi na napigilan ng ex-dating partner ng aktor na si Baron Geisler ang matagal na niyang kinikimkim na galit sa aktor dahil daw sa patuloy nitong pagsisinungaling na hindi siya nananakit.

Nangyari ito matapos sagutin ni Baron ang isang netizen na kumwestyon kung bakit patuloy pa rin siyang binibigyan ng proyekto sa kabila ng mga harassment cases na kinakaharap.

Giit ng aktor na hindi siya nananakit at puro alleged harrasment lang umano ang inirereklamo laban sa kanya.

Matatandaan na hinatulan ng guilty si Baron sa kasong acts of lasciviousness noong 2009 matapos itong ireklamo ng anak nina William Martines at Yayo Aguilla na si Patrizha Martinez.

Ayon kay Karen Anne Tolosa, dating kinakasama ng aktor, muntikan na raw siyang mapatay nito dahil sa pambubugog na kanyang natamo mula kay Baron.

Dagdag pa ng dalaga, binigyan niya ng tsansa noon si Baron sa paniniwalang sinusubukan nitong magbago ngunit tila wala raw pagbabagong ginagawa ang aktor at patuloy pa rin ang pangmomolestya na kanyang ginagawa.

Nakatakdang magpakasal ang aktor sa kanyang psychologist-girlfriend na si Jamie Marie Evangelista. `