-- Advertisements --
fish isda palengke

Nananatili pa ring pinakamalaking na producer ng ibat ibang uri ng isda ang Bangsamoro Region.

Batay sa pinakabagong Fisheries Situation Report, hawak ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang hanggang 31.4% ng kabuuang produksyon sa buong bansa nitong ikalawang kwarter ng kasalukuyang taon, daan upang maging number1 producer ng isda kumpara sa iba pang rehiyon.

Sumunod naman dito ang Region 9 (Zamboanga Peninsula), Region 3 (Central Luzon), Region 6 (Western Visayas), at Region 4B (MIMAROPA).

Ayon kay Pendatun Patarasa, ang Director General on Fisheries sector ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR), nananatiling mataas ang populasyon ng ibat ibang mga isda sa naturang rehiyon.

Maganda rin aniya ang operasyon ng capture fishing sa mga karagatang sakop nito, na nagiging daan para sa mataas na huli ng mga magsasaka.

Samantala, sinabi rin ni Patarasa na plano nilang pasukin ang tuna industry ng bansa.

Kampante ang opisyal na makakapag-ambag ng malaki ang Bangsamoro dahil mataas ang populasyon ng ibat ibang tuna sa mga karagatang sakop ng Bangsamoro, katulad ng yellow fin, tulingan, at eastern tuna.