-- Advertisements --

Nasunog ang isang oil tanker sa Gulf of Aden matapos tamaan ng missile ng mga Houthi rebels.

Ayon sa mga rebeldeng grupo na target ng kanilang missiles ang Marlin Luanda cargo ship .

Walang naiulat na nasugatang sa nasabing atake kung saan ang nasabing barko ay isang Marshall Islands-flag.

Ito na ang pinakabagong insidente ng pag-atake ng mga Houthi sa mga commercial shipping sa Red Sea.

Naniniwala ang US na ginamitan ito ng anti-ship ballistic missile.