Iniurong na sa buwan ng Oktubre ang nakatakdang Barcelona Marathon dahil sa banta pa rin ng coronavirus (COVID-19).

Ayon sa Barcelona city council napagdesisyunan nila na ipagpaliban ang nasabing event dahil sa tumataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Imbes na sa March 15 ito gaganapin ay inilipat na ito sa Oktubre 25.

Umaabot na sa 17,000 na runners mula sa iba’t-ibang paning ng mundo ang nagparehistro sa nasabing Marathon.