-- Advertisements --

Hindi na kikilalanin ng Carribean nation na Barbados si Queen Elizabeth II bilang namumuno sa kanilang bansa.

Ito ay dahil sa nakatakdang maging republika na ang nasabing bansa sa susunod na taon.

Ayon kay Governor-General Sandra Mason na malapit na silang makawala sa kolonyalismo ng Britanya.

Isasabay nila ang pagiging republika sa 55th anniversary of independence mula sa British Empire sa November 2021.

Namumuno kasi si Queen Elizabeth sa United Kingdom at 15 ibang bansa na nasa British ruling na kinabibilangan ng Australia, Canada, New Zealand, Jamaica at ilang mga island nation sa Caribbean at Indian Ocean.

Sinabi naman ni Barbadian Prime Minister Mia Mottley na ito na ang pinakahihintay nilang mangyari.

Noong 1992 ng tinanggal na rin ng Mauritius si Queen Elizabeth II na mamuno sa kanilang nasyon.