-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Kusang sumailalim sa self-quarantine ang mga barangay officials ng Brgy. Sta Cruz sa lungsod ng Koronadal matapos nagpositibo sa COVID-19 ang isang utility worker.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Brgy. Sta Cruz kapitan Nimfa Tumilap, inihayag nitong nagsasagawa sila ng pagpupulong noong Nobyembre 3 kaugnay sa speed limit na ipaiiral sa kanilang lugar.

Ngunit nakatanggap siya ng impormasyon na nahawaan ng COVID-19 ang kanilang utility worker kaya nag-home quarantine ang lahat na mga opisyal ng barangay sa loob ng 10 araw at pansamantalang isinara ang barangay hall upang ma-contain ang pagkalat ng naturang sakit.

Nagsasagawa na ngayon ng malalimang contact tracing ang mga health officials upang malaman kung saan nakuha ng utility worker ang virus.

Ngunit tiniyak nitong patuloy pa rin ang kanilang pagtatrabaho sa pamamagitan ng work-from-home policy kahit naka-quarantine.

Inaasahang sa Nobyembre 18 ay babalik na ang kanilang operasyon sa barangay.