DAVAO CITY – Patay ang isang barangay kapitan sa lungsod ng Davao matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga suspect.

Kinilala ang biktima na si Fernando Banayao, barangay chairman ng Barangay Gumitan, Marilog District lungsod ng Davao.

Batay sa ulat mula sa Marilog Police Station, minamaneho ni Banayao ang kanyang motor kasama ang kanyang asawa nang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan na sakay ng motorsiklo sa Purok Mundo Hill, Sitio Quarry, Marilog District Davao City, nitong umaga ng Sabado.

Kilala umano si Banayao na mahigpit sa pagpapatupad ng mga programa laban sa rebelding grupo na New People’s Army sa kanyang barangay.

Samantala, sugatan din umano ang misis ni Kapitan Banayao at patuloy pang ginagamit sa Southern Philippines Medical Center.