-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang Barangay Kagawad matapos na makuryente sa Sipocot, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Kagawad Elmer Abiada, 61-anyos, residente ng Centro 1, Brgy. Taisan, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang inaayos ng biktima ang electric wire sa kaniyang kusina ng makuryente ito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nagtamo ng fatal injury ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.