LEGAZPI CITY – Ikinalungkot ng buong konseho ng Barangay Gubat sa bayan ng Bacacay, Albay ang pagpapakamatay ng isang barangay health worker sa lugar.
Ayon kay kapitan Michael Base sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nagulat na lamang sila ng malaman ang pagpapakamatay ng naturang biktima.
Nagpalaaman pa raw si Berdin sa asawa nito na lalabas lamang upang magpahangin at sinabihan pa na maagang gumising kaya wala itong ideya sa planong gawin ng biktima.
Paliwanag ng opisyal na naniniwala ang kapatid ng biktima na posibleng nakararanas ito ng depresyon dahil sa pinagdadaanan ngayon na Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Posible aniyang ipinangamba nito ang pagdagsa ng mga mula sa Metro Manila dahil sa papalapit na pagtatapos ng enhanced community quarantine at papalalit na selebrasyon ng ka-fiestahan sa lugar.
Dagdag pa ni Base na posibleng nakadagdag din sa problema ng biktima ang pagkakaroon ng karamdaman ng isa sa mga anak nito.