-- Advertisements --

DAVAO CITY – Inereklamo ngayon ng mga Special Amelioration Program (SAP) beneficiaries ng isang barangay sa Bansalan Davao del Sur ang kanilang barangay captain matapos hiningan sila ng P1,000 na donasyon. 

Batay sa reklamong natanggap ng Bombo Radyo, nagbanta umano si Barangay Captain Randy Navarro ng Barangay Alta Vista, Bansalan na hinid ibigay ang second tranche ng SAP sa mga hindi magbibigay ng hinihingi niyang pera. 

Mariing itinanggi ni Navarro ang alegasyon na ibinabato laban sa kanya at iginiit na para lamang sa mga nais magbigay ng tulong ang apela niya at hindi aniya ito sapilitan.

Bukod dito, hindi rin aniya niya ito ibubulsa kundi idadagdag sa COVID-19 response ng kanilang barangay.