-- Advertisements --
Screenshot 2020 06 29 17 50 30 47

Dahil na rin sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic dito sa Pilipinas, inanunsiyo ngayon ng Supreme Court (SC) na ipinagpaliban nila ang 2020 Bar Examanination.

Ayonk kay Bar Examination Chairperson Associate Justice Marvic Leonen, dahil sa patuloy pa rin ang pandemic sa bansa ay isasagawa na ang Bar Exam sa susunod na taon.

Ang pagpapaliban ng SC sa Bar Exam ay para na rin mabigyan ang en banc ng mas mahabang panahon para mapagdesisyunan kung kailan ito isasagawa.

Sinabi ni Leonen na pinagbigyan ng SC En Banc ang rekomendasyong ipagpaliban ang Bar Exam nang hindi mas maaga sa Pebrero 2021.

Ang Bar Exam ay karaniwang isinasagawa sa apat na Linggo ng Nobyembre kada taon.