CAGAYAN DE ORO CITY – Lumambot sa panglimang pagkakataon ang pamunuan ng kompanyang Metro Pacific Waters sa hiningi na apela ng city government na bigyan ng panibagong pagkakataon ang Cagayan de Oro Water District (COWD) makahanap ng pera pambayad ng kanilang outstanding financial payables.
Ito’y kahit kaliwa’t kanan ang isinagawa na imbestigasyon ng committee of the whole ng city council at sub-committee on fact finding ng binuo na task force ng local executive department patungkol sa joint venture water contract ng COWD at MetroPac sa pamamagitan ng Cagayan de Oro Bulk Water Incorporated (COBI) simula pa noong nakaraang linggo.
Una nang umapela si committee of the whole chairman City Councilor Atty. Edgar Cabanlas na sa halip na Marso 31 na deadline ay mabigyan pa ang city government ng panibagong konsiderasyon kaya nagtakda ang COBI ng Abril 12 para ayusin ang COWD payables.
Paliwanag ni MetroPac senior legal counsel Atty. Roberto Rodrigo na bukas naman sila palagi sa ‘win-win’ solution kapalit na babayaran ng COWD ang halos kalahating milyong piso na obligasyon nito.
Una ng hindi nagustuhan ni City Mayor Rolando ‘Klarex’ Uy ang March 31 ultimatum na inilabas ng COBI na tila nagsilbing bihag ang mismong mga residente at mga negosyante na direktang kliyente ng joint venture investment.
Magugunitang iginiit rin ng COWD na kailanman ay hindi sila pumalta pagbayad sa contracted price na halos P17.00 per cubic meter na tubig ng COBI kada-buwan batay.
Subalit iginiit rin ng COBI na higit 400 milyong piso na ang payables ng COWD dahil sa ipinapatupad na water rate increase batay sa nakasaad na kontrata.
Naging mainit na usapin ang water supply dahil naging political issue na ito sapagkat isinisi ng kasalukuyang administrasyon ang problema ng COWD kay dating City Mayor Oscar Moreno na umano’y nasa likod pagpasok ng MetroPac nitong lungsod.
Giit naman ni Moreno na kailanman ay hindi ito nangingi-alam sa negosasyon at pirmahan ng kontrata subalit nagpasalamat lamang dahil pinili ng MetroPac na pasukin bilang investment location ang syudad.