-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Hindi na bago at hindi na nakakagulat.

‘Yan ang naging pahayag ni Bombo International News Correspondent mula sa bansang Australia na si Denmark Suede hinggil sa paglalaan ng naturang bansa ng 1 Billion Australian dollars o katumbas ng 38 billion pesos para sa isang underwater mine kung saan maaari itong maka-detect ng barkong pandigma.

Aniya, intensyon nitong malaman ng gobyerno ng Australia ang kanilang potensyal na kalaban partikular na ang bansang China sa kanilang binabantayan.

Ito ay matapos ang naging hidwaan ng China sa bansang Taiwan.

Saad ni Suede na hindi ito tumutukoy sa tanong na paano kundi sa kung kailan kaya ang gagawing pagsalakay ng mga potensyal na kalaban.

Tinukoy rin niya ang hindi pagsang-ayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa pagdaragdag ng mga defense spending ng bansang Pilipinas.

Mungkahi ni Suede na isa itong pagkakamali dahil kulang na kulang ang gamit ng bansa.

Saad pa nito na ang paglalaan ng pera para sa mga karagdagang kasangkapang pandigma ay hindi naman para sa intensyon ng pakikigyera kundi ito ay para magkaroon ng panangga para sa mga potensyal na kalaban.

Samantala mayroon aniya silang tinatawag na Semi called 1 kung saan nagalit ang China sa Asutralia kung saan hinaharang nila ang iba sa kanilang produkto.

Dahil dito, tinaasan ng Australia ang buwis sa iba nilang mga produkto.

Ito aniya ang problema kung sakaling umaasa lamang ang isang bansa sa iba dahil kung sakaling magkaroon ng alitan ay apektado ang mga inaangkat na produkto.