Nagpatuloy hanggang noong Disyembre 2021 ang pagtaas ng lending activity ng mga local banks sa harap nang unti-unting pagbangon ng ekonomiya mula sa mga epekto ng global pandemic.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, patuloy ang mabilis na expansion ng lending sa mga bangko noong Disyembre 2021 na pumalo sa 4.6 percent, mas mataas kaysa 4 percent lang noong Nobyembre.
Ito na ang ika-limang magkasunod na buwan na lumalago ang bank credit sa bansa.
Disyembre 2020 nang unang mag-collapse sa contraction territory ang bank lending, na umabot sa 0.7 percent dahil sa restrictions na dulot ng pandemya sa banking industry.
Nagtuloy-tuloy ang contraction na ito kahit pa tumagal ang all-time low monetary policy rate sa bansa.
Kung ikukumpara, ang bank lending ay lumago ng 13.6 percent bago tumama ang global health crisis noong Marso 2020.
Gayunman nangangako ang BSP na magtutuloy-tuloy ang kanilang monitoring sa credit dynamics upang sa gyaon ay matiyak na nananatiling wasto ang kanilang monetary policy settings sa harap nang nakikitang senyales na nakakabangon na rin ang ekonomiya ng bansa.