Kinumpirma ng BDO Unibank Inc. na may isa silang empleyado ang nag-positibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Batay sa anunsyo ng bangko, isang empleyado nila sa operational office sa San Juan ang nag-test positive sa nasabing sakit.

Tiniyak naman ng kompanya na bibigyang tulong at suporta nila ang empleyadong COVID-19 patient.

Pati na ang pagsisigurong tututukan nila ang sitwasyon para maprotektahan ang kaligtasan ng iba pang empleyado, customer at suppliers.

Wala pa namang anunsyo ang BDO kung may adjustments sa kanilang operasyon.