-- Advertisements --
image 156

Nakatakda na rin umanong magpadala ang Bangsamoro ng tulong sa pamilya ng mga biktima ng malakas na lindo sa Turkey at Syria.

Ayon kay Bangsamoro chief minister Ahod Balawag Ebrahim, para sa diwa ng pagkakaisa, magbibigay ng humanitarian assistance ang Bangsamoro sa pamilya ng mga labis na naapektuhan ng pagyanig.

Nagpaabot na rin ang mga ito ng pakikiramay at simpatya sa mga biktima ng 7.8 magnitude na lindo.

Dagdag ni Ebrahim, ang Turkey ay “active partner” ng Bangsamoro people sa pagbuo ng peaceful at harmonious community.

Kung maalala, lumobo na sa mahigit 33,000 ang bilang ng mga namatay sa pagyanig.

Ayon sa mga opisyal at medics, sa naturang bilang ay nasa 20,213 katao ang namatay sa Turkey at 3,553 naman sa Syria.

Sa ngayon, dalawang Pinoy na ang kumpirmadong namatay sa naturang lindol.

Nagpadala na rin ang Pilipinas ng 80-person team na kinabibilangan ng disaster response specialists at healthcare workers sa Turkey.