-- Advertisements --
Masayang ibinalita ni Bangs Garcia ang kanyang pagdadalang-tao sa kanilang second baby ng non-showbiz husband.
Makikita sa Instagram post ng 32-year old actress ang larawan nila ng asawang si Lloydi Birchmore at panganay na anak na si Amelia.
Bitbit ng “soon to be ate” ang ultrasound photo ng kanyang kapatid.
“The love in our family is tremendously growing as another bundle of joy is coming our way,” ani Bangs.
Kung maaalala, nanganak si Bangs noong 2017 matapos ang kasal nila ng half-British na si Lloydi sa England.
Huling napanood ang aktres bilang cast ng 2016 film na “Dukot” kasama si Enrique Gil.